Ted Failon

Ted Failon's wife patay na!

Habang may kausap ang inyong eyescooper sa telepono kagabi nabigla ako sa balitang napanood ko sa telebisyon. Patay na ang 45 years old na asawa ni Ted na si Trinidad "Trina" Etong sa Edad na 45. Sa tingin ko lang isa sa dahilan kung bakit napaaga ang pagkamatay ay ang mga pangyayaring nangyari na pagdampot sa mga tao na ayon sa pulis na may kinalaman sa obstruction of justice. Napanood ko rin sa balita kung paano damputin ang mga ito. Sobra naman ang ginawa n gating kapulisan. Imagine mo kilalang tao na ang mga ito dahil nga kilalal si Ted. Pero ganun paring treatment ang nanyari. Napaka unfair naman ang pangyayari. Sana hindi naman nila sapilitan ginawa ito dahil kasalukuyang nakikipaglaban ang asawa ni Ted sa buhay n’ya. At dahil ditto nakadagdag stress at napadali ang buhay ni Trina.

Narito ang video ng pagdamput ng mga pulis sa in-law's ni Ted

Video courtesy of Bandila




Narito ang video ng pahayag Kaye Etong hinggil sa pag iimbestiga.

Courtesy of Bandila:



Courtesy of Punto por punto ( Umagang Kay Ganda):


Ted Failon's Sister-in-law Statement

Unti-unti ng lumulinaw ang totoong nangyari sa pagsasalit ng sister-in-law ni Ted. Narito ang pahayag nya sa website ng ABS-CBN

Source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/04/16/09/failons-sis-law-says-she-saw-trina-write-sorry-note
====


Pamela: Ako iyong nakaharap sa TV, siya 'yong parang squat sa floor na naka-ano sa bed. Sabi nya, "teka muna, gagawa muna ako ng sulat kay Kuya mo, papaalam ako na hindi muna ako uuwi ngayong gabi." Sabi ko sige po, so sa bed siya nagsusulat kasi mababa 'yong bed, tapos nakaupo ako sa bed.
Sulat niya "Papa," tapos sabi niya [sa akin], "ano ang sasabihin ko?"
Tapos sabi ko, ikaw, ikaw na ang mag-ano kung anong gusto mong sabihin kay Kuya.
Ces: Ito ba 'yong sulat na nasa pulis ngayon, 'yon at 'yon din?
Pamela: Oo, 'yon yata ang pagkakaalam ko.
Ces: Pinanood mo, kitang-kita mo 'yong pagsulat?
Pamela: Opo, kitang-kita ko po. Di ko lang po siya masyadong matandaan lahat, pero iyong umpisa noon is, "Gustong-gusto kong magsabi sa 'yo ng totoo, pinapangunahan lang ako ng sobrang takot." Tapos meron pa doong part na "sana mapatawad mo ako." Tapos, iyon nga, "aalis muna ako Papa." Puro may 'Papa' 'yon eh.
Ces: Maraming nagtataka na bakit may 'po.' Ganoon ba talaga?
Pamela: Grabe ang training sa bahay na 'yan, I don't know kung training o talagang, tama, sila talagang nag-ano na mag-asawa na 'yan. Pati mga katulong, mga drivers, pati nga siguro ako nahawa na rin na doon na rin ako natutong masyado na mag-'po' at 'opo.' Pati mga anak namin, kasi as in ganoon, ganoon sila.
Ces: Ang mag-asawa, nag-po-po sila sa isa't isa?
Pamela: Sa isa't isa din, sila din nila Kuya.
Ces: Nakikita mo 'yon doon sa pag-obserba mo sa kanila, sa pag-uusap?
Pamela: Kahit sa text ganoon sila, nag-po-po talaga. Kaya noong nagsusulat din si Ate Trina alam ko na meron din doon na mga 'po'.
Tapos iyong natapos niya ring gawin 'yong sulat, [sabi niya] "o sige na, ilagay mo doon sa dresser namin," sa kuwarto nila.
Ces: Ayaw niya talagang umuwi? Na harapin siya?
Pamela: Opo, ayaw niya muna umuwi ng maaga, kasi nagte-text pa si Kuya, nagte-text pa na "umuwi ka na 'Ma, magpahinga ka." Tapos tumawag pa talaga.
Ces: 'Yon ba nang mga tawag na iyon, may narirnig ka bang galit sa boses ni Ted, nanunumbat?
Pamela: Wala, wala, wala po. Wala, parang may tinatanong lang siya, tapos sabi ni Ate Trina, "ok na, nakuha ko na," parang mga ganoon. Tapos iyon, from there, kasi parang ano na rin 'yon, 12 past na, mga 12:35, mga ganoon, so diretso na kami ng Tierra Pura.
Hindi pa kami nakakatulog, kumakatok na si Kuya. Diretso naman ako, para hindi na ano eh, hindi na halata na may nakahiga, parang konting ayos lang sa unan, tapos diretso na ako sa banyo.
Ces: Nagtago ka?
Pamela: Opo, pagpunta naman sa banyo, sliding door din muna 'yon, kasi parang dressing ano din, tapos CR. Pero hindi ko sinara 'yong sliding, hindi ko rin sinara 'yong pintuan ng CR
Ces: Rinig mo 'yong usapan na 'yon?
Pamela: Opo, rinig ko po.
Ces: Pumasok si Ted?
Pamela: Opo, though di ko siya masyadong maintindihan. Pumasok si Kuya.
Ces: Nagkakasigawan ba?
Pamela: Wala po, as in magandang usapan.
Ces: Ano 'yong usapan?
Pamela: Parang may inaano lang siya na, "Mommy," kasi minsan parang Mommy, Ma, Bi, ganoon sila eh. So ok na, ok na yung ano, pinapakuha ko sayong mga papel," ganoon, sabi niya "opo." Tapos sige, ano, bukas na lang natin pag-anuhin, pag-usapan, ganoon ganito. Sige, ano, matulog ka na magpahinga ka na. [Tapos sabi ni Trina] "Hay naku matulog na nga tayo."
Ces: Sabi may mga kalmot sa likod si Ted. meron bang nagkaroong pisikal...?
Pamela: Grabe po, wala. Wala po, as in. Kasi kung boses pa lang po siguro ni Kuya na marinig ko lang po na galit, lalabas na ako. [Inaudible] pero hindi ako maghihintay na may mga kung ano pang mangyari bago pa lumabas. So as in wala talaga, wala, as in super maganda po 'yong usapan nila.
Tapos iyong nahiga na uli kami, tapos parang ilang minuto, katok uli si Kuya. natatawa kaming pareho [ni Trina] kasi tatakbo na naman ako uli sa banyo tapos bukas na naman siya ng pinto. Hinihintay niya akong mawala na sa paningin niya tapos binubuksan nya rin 'yong pintuan.
Tapos may mga inabot lang po si Kuya na mga papel, apat na papel. 'Andoon 'yong mga pangalan ng katulong, driver, tapos kung magkano 'yong mga expenses sa isang buwan, ilaw, tubig, telepono, cellphones, tapos 'yong mga taxes monthly, quarterly, yearly, tapos mga insurances. Basta mga ganoon, kasi parang apat na-
Ces: So parang inaayos nila ang kanilang mga finances?
Pamela: 'Yon ang pagkakaintindi ko.
Ces: So may binigay na mga dokumento?
Pamela: Hindi po siya dokumento, parang handwritten lang na pinapaano na gusto lang siguro ni Kuya na malaman kung magkano talaga 'yong suweldo ni ganito, kasi si Ate Trina naman lahat ang nag-aayos ng ganoon eh, kung magkano talaga binabayaran nila sa ilaw, sa tubig, ganoon, lahat-lahat, pagkain.

Courtesy of ABS-CBN News

Ted Failon

Nashocked ako sa balitang narinig ko sa Bandila kagabi. Balitang patuloy na pinaguusapan ngayon. Balitang may kinalaman sa asawa ni Ted Failon. Kagabi ko rin nalaman na may asawa na pala ang hinangaan kong broadcaster ng ABS-CBN. Sa pangyayaring naganap sa asawa ni Ted Failon ang the best nating gawin ay pakinggan, suriin at usisain ang tooong nangyari at 'wag muna tayong mag judge. Maraming anggulo sa tooong nangyari pero hindi tayo ang proper authority na magbibigay ng conclusion.

Isama na lang sa prayer natin na mabuhay ang asawa ni Ted para malaman natin ang totoong nangyari. Ang kasagutan sa lahat ng mga katanungan ng karamihan ay sa asawa lamang ni Ted malalaman.


Letter from Ted Failon Wife:

“Papa, I’m sorry. Gustung-gusto ko ang magsabi sa iyo ng totoo pero hindi ko po alam kung paano uumpisahan. Sobrang takot na takot ako. Umalis muna ako, kasi hindi ko kaya at nahihiya akong humarap sa iyo. Sana po mapatawad mo ako, papa. Sorry, sorry papa – Mama,”



Ted Statement:

“ Hindi ko tinapos ang aking programa sa DZMM kaninang umaga matapos kong makausap ang aking asawa sa telepono. Kaya umuwi ako kaagad at natagpuan kong nakakandado ang pinto ng banyo. Pinabuksan ko ang pinto at natagpuan ko ang aking asawa na duguan kung kaya’t itinakbo ko siya agad sa ospital.”
Kinalap lahat ng video ng Eyescoop ang mga pahayag na mga tao hinggil sa pangyayari sa balitang ito. Courtesy of ABS-CBN news.

April 15, 2009: Courtesy of TV Patrol World



Courtesy of Bandila



Ted Video Statement courtesy of Bandila:




Narito ang video ng pahayag ng anak ni Ted sa programa nina Korina Sanchez at Ted Failon sa Tambalang Failon at Sanchez sa DZMM.






Update :

David Cook and David Archuleta Live in Manila Philippines

Confirmed na ang napapabalitang concert on May 16, 2009 sa open grounds ng SM Mall of Asia, Pasay City Philippines ng dalawang pinakasikat na American Idol Season 7. Ayon sa blogreport , the said live concert was made possible by Jomari Yllana's Fearless Production. Ang Fearless Production din ang nasa likod na matagumpay ng concert ng Eraserheads. Siguradong dadagsain ito ng ating mga kababayang Pinoy at ng mga fans nito sa karatig bansa natin.

Ticket Price:

Visit http://www.ticketnet.com.ph/2006/index.php

or Call 911-5555 For Reservations

VIP ( Reserved Seating): Php 3625
PriceVIP (Reserved Seating): Php 3625
Gold: Php 2075
Silver (Standing): Php 625
Bronze (Standing): Php 315

David Archuleta confirmation video:

David Cook confirmation video:


Para hindi mahirapang pumasok sa venue narito regulations na dapat tandaan sa David Cook and David Archuleta concert:


For the safety of your children, they will only be allowed entry at the venue if they are:
4 feet and above
Accompanied by paying adult

Prohibited Entry
Children below 4 feet in height
Pregnant women
Individuals under the influence of drugs or liquor
Persons with severe heart or medical condition
Prohibited items inside the venue
Professional audio or video recording devices
Professional Cameras
Weapons
Glass
Cans
Plastic Bottles
Food
Large metal belt buckles
Big posters/placards/signages
Fireworks
Alcoholic beverages
Spiked Bracelets
Wallet chains
Back packs
Waist packs
Laser Pens
Large chains
Long & pointed umbrella


ORGANIZERS HAVE THE RIGHT TO REFUSE ENTRY TO ANYONE NOT COMPLYING WITH ANY REGULATIONS.